Halimbawa ng Maikling Kwento

  1. Science Fiction – isang akdang masining ng ginagampanan ng mga tauhang binuo ng mayamang imahinasyon ng manunulat.

    Halimabawa: The Fun They Had ni Isaac Asimov Hahanap
    Si Tommy ng isang “tunay na libro” na “makasulat sa papel”. Ayon sa lolo ni Margie lahat ng mga kuwento ay nakalimbag sa papel. Akala ni Tommy ay isang basura ang magkaroon ng aklat na nakalimbag sa papel at naisip din niya na ito ay dapat nang itapon kapag ito ay tapos na basahin. Akala rin ni Tommy na masmahusay ang screen tv. Ang “tunay na libro” ay natagpuan sa attic ni Tommy at ito ay tungkol sa paaralan. Kinasusuklamanan ni Margie ang pagskwela at hindi maunawaan kung bakit ang isang tao ay sumulat tungkol sa paaralan. Si Margie ay may problema sa pag-aaral ng heograpiya mula sa kanyang “nagtuturo ng mekanikal” kaya ito ay itinayong muli sa pamamagitan ng county inspector. Kinasusuklaman ni Margie ang ginagawa niyang homework na nagkaroon na nakasulat sa dating ng code at nagiging ito sa slot sa “makina guro” Ang nagtuturo ng mekanikal ko ay gradong kanyang tahanan trabaho sa walang oras. Ang sabi ng county inspector sa”heograpiya sektor” ay masyadong mabilis at ang kanyang pag-unlad ay tunay na ganap “kasiya-siya”. Margie ay umaasa na siya ay lalayo tulad ni Tommy dahil sa kanyang “history sektor” na naging blanko.Tinatanong ni Margie si Tommy,”bakit pwede ang sinuman sumulat tungkol sa paaralan?” at sinabi Tommy na may “higit na mataas na mga mata” na ito ay isang paaralan mula sa “siglo” na nakalipas. Margie ay nagulat na marinig na bumalik sa unang araw ng “tao”ang guro. Margie ay uulat upang marinig ni Tommy ang sabihin na ang kanyang ama ay alam ng higit sa kanyang “guro” na naisip Margie ay imposible. Sinabi ni Margie na hindi siya ang gusto ng isang taong at kung hindi niya kilala ay di niya sasabihin kung aan ang bahay niya. Si Tommy ay nagsabi na ang mga guro ay hindi nakatira sa isang bahay at na napunta sa mga bata sa isang “espesyal na gusali” upang malaman ang mga parehong bagay kung sila ay may parehong edad. Sinabi Margie na ang kanyang ina sinabi na ang bawat “guro” ay upang maging karapat-dapat sa pag-iisip ng bawat bata Sinabi Tommy na Margie ay hindi na kailangang basahin ang mga libro kung hindi siya ay nais na Margie nais na basahin ang mga lumang libro at kung ano ito ay upang sabihin tungkol sa “mga funny paaralan” Kapag Margie ni “nanay” Sinabi niya na ito ay ang parehong oras para sa Tommy at Margie upang pumunta sa paaralan, tinanong Margie kung siya ay maaaring basahin ang mga libro na kasama niya pagkatapos ng paaralan at Tommy sinabi na maaaring siya ay maaaring Ang “silid-paaralan” ay susunod sa bedroom ni Margie at maliban sa Sabado at Linggo ay sa sa parehong oras araw-araw Margie ni “mamay” sabi ni “maliit na batang babae na natutunan mas mahusay na kung sila ay natutunan sa mga regular na oras” Ang “guro” tinanong para sa mga araling-bahay ni Margie at siya ay nagtrabaho sa fractions Akala Margie tungkol sa mga unang araw ng pag-aaral kung saan nagsimula ang lahat at natapos na paaralan magkasama, usapan tungkol sa araling-bahay na magkasama at nag-play na magkasama Naisip tungkol Margie isang panahon kapag ang mga guro ay mga tao Akala Margie na ang mga bata mahal sa pagiging sa “lumang araw” at kung paano dapat sila ay nagkaroon masaya.

  2. Kwento ng tauhan – pokus nito nasa pangunahing tauhan. inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigayan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa.

    Halimbawa: Bagong Kaibigan ni G. Bernard Umali
    May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel. Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Gabi na ng makauwi ako. Mula sa aking silid ay may natanaw ako na maliwanag sa langit. Mayroong isang bituin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bituin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay. “Gising na anak, may pasok ka ngayon” “Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!” “Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na angschool bus.“

  3. Kuwentong Pantasya – mga kuwento ito ukol sa mahika o sa mga supernatural ngunit walang batayang maka-agham.

    Halimbawa: Kuwentong Diwata
    Minsan noong siya’y labing-pitong taong gulang ay nagawi siya sa isang parte ng gubat. Dito ay napagtanto niya na ang mga halaman ay nakagagalaw at ang Tubig Lawa ay pinamamahayan ng mga kakaibang nilalang. Ang naglalakihang pitak ng bato ay nakapagsasalita habang ang hangin ay may dala-dalang espiritu. Sa madilim na parteng ito ng gubat, sumasayaw ang mga puno kasabay ng mga alitaptap at paniking nakikipag-unahan sa bilis ng pagbabagong anyo ng sinag-araw.
    Sa paghahanap ko ng daan upang makalabas ng kagubatan ay nakita kita sa isang sitwasyon na ipinagbabawal ng moral ng aking isipan. Ikaw ay lumusong sa kristal na batis na nagtatago ng kalahati ng iyong katawan. Kusang sumasabay sa iyong galaw ang bawat nagliliparang dahon at ang ulap sa kalangitan ay tumatakip sa bawat pagtahak ng iyong nilalakaran. Saan ka man magpunta ay hindi ka masikatan ng haring araw sapagkat sumusunod sa iyo ang mga ulap na tila iyong mga alagang tagak.
    Sinundan kita hanggang sa pusod ng kagubatan at sa bawat paglakad, napapatanong ako kung isa ka ba talagang diwata? Isa ka bang diwata ng ilog? ng ulap? o isa kang diwata na lagalag? Anuman ang iyong kasagutan ay nais kong humingi ng kapatawaran sa aking kamangmangan sapagkat sa unang hagip pa lamang ng aking balintataw sa iyong katauhan, ako ay napaibig mo.
    Patuloy kitang sinundan hindi dahil ako ay ginamitan mo ng haraya~ kundi dahil hindi kayang kalabanin ng aking puso na mapalagpas ang oportunidad na makilala ka. Alam ko sa aking kamalayan na kung hindi kita makikilala ngayon ay hindi na kita makikilala pang muli sa kabuuan ng aking buhay.
    Ang mga ganitong pangyayari ay nagbibigay sa akin ng ligalig sapagkat ang pagsunod sa iyo ay nangangahulugan ng isang kapahamakan, at ang gubat ay puno ng leon, reptilya, at ahas na handa akong salakayin bilang kanilang tanghalian. Gayunman, mas pinaniniwalaan ko na isa kang diwata na magliligaw sa akin dito sa kakahuyan.
    Kung sakali lamang at ako ay nagkakamali, may huli akong katanungan lambana. Kung iibig ka sa isang tulad ko, isasakripisyo mo ba ang iyong mahika kapalit ng pagiging mortal?

    Source: https://blographics.wordpress.com/2009/07/10/kwentong-diwata/

  4. Kuwentong Misteryo – Sa kuwentong ito, ang krimen ay ilalahad sa binabasa ngunit walang mapagkakakilanlan sa kriminal.

    Ang Pag-aaral ay Isang Kayamanan na Hindi Maaaring Manakaw ng Sino pa Man

     

    “Putang ina mo! Hindi mo ba naiintindihan?! Huli na ang lahat! Sira na ang buhay ko! Ano pang silbi na ipasa mo ako? Wala na! Huli na ang lahat!”
    “Parang awa mo na, please! Parang awa…”
    Bagum! At umalingawngaw sa loob ng palikuran ang tunog ng baril na pumutok, at ang bala nito’y tumama sa gitna ng noo ng guro’t tumagos sa batok niya. Nabasag ang salamin sa kaniyang likuran at habang lumlipad ang mga pira-pirasong mga butil ng salamin ay bumagsak sa sahig ang guro. Naging pula ang kanina’y puting polo nito dahil sa dugong umaagos mula sa kaniyang noo. Pinagmasdan ni Eric si Sir Jackson. Nakatitig siya sa mga mata nitong wala nang buhay. Itinutok pa niyang muli ang kanyang baril at isa-isang pinawalan ang mga balang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng wala nang buhay na guro. Nag-iwan ng isang bala sa kaniyang baril si Eric, at dahan-dahang lumakad palayo kay Sir Jackson, na ngayo’y naliligo na sa kaniyang sariling dugo.
    Ang labas ng palikuran ay unti-unti nang napupuno ng mga taong narinig ang mga putok ng baril. Wala sa kanila ang may lakas ng loob na subuking buksan ang pinto sa takot na madamay sa gulo. Ilang sandali pa’y narinig na nilang bumubukas ang pinto ng palikuran. At tumambad sa kanila si Eric, na pula ang mukha sa talsik ng dugo mula sa paulit-ulit na pagbaril kay Sir Jackson. Ang lahat ay marahang lumakad patalikod, nag-aabang kung ano ang gagawin ni Eric, na hawak pa rin sa kanyang kamay ang baril. Pinagmasdan ni Eric ang mga taong lahat ay nakatitig sa kaniya. Nguniti siya’t sinabing, “sa wakas…” Itinaas ni Eric ang hawak na baril, na naging hudyat sa mga tao upang mapuno ang takot at kaba. Itinutok ni Eric ang baril sa kanyang sentido. At sa gitna ng mga sigawang ng takot at kaba ay ngumiti siya nang huling beses at kinalabit ang gatilyo. Bumagsak sa sahig si Eric, duguan, at ang mata niya’y tila nakatitig sa mga kalangitan upang silayan ang mga butui’t mga planetang sa kaniya’y sasalubong habang siya’y lumilisan at niyayakap ng dilim…

    Source: http://www.filipinowriter.com/isang-maikling-kwento-21

  5. Kuwentong Sikolohiko

    Halimbawa: Ang Kwento ni Tata Selo
    Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang asawa. Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na sya na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa dahil may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo.
    Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
    Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa siya at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa Alkalde at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng Istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
    Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati’y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito makalawang araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling nang Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na “inagaw sa kanya ang lahat”.

    SOURCE: https://blogadagdps.wordpress.com/2015/12/09/halimbawa-ng-mga-maikling-kwento/

  6. Kuwentong Suspense

    Halimbawa: Ang Kalupi
    Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
    “Ano ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”
    “Pasensya na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na supot na naglalaman ng tigbebente habang takot siyang nakatingin kay Aling Marta. “Hindi ko ho sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
    “Pasensya!” sabi ni Aling Marta.
    Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok sa palengke.  Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestida upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi at napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
    “Bakit ho?” tanong nito.
    “Ha?! Nawawala ho ang aking pitaka,” sagot ni Aling Marta.
    “Eh, magkano ho naman ang laman?”
    “Eh, sandaan at sampung piso ho.”
    Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang leeg.
    “Nakita ring kita!” ang sabi niyang habang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”
    “Ano hong pitaka? Wala ho akong kinuha sa inyong pitaka.”
    May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod.
    “Iho ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
    “Andres Reyes po.”
    “Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.
    “Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya akong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”
    Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa pag hihintay.
    “Ngunit, Marta…,”ang sabi ng kanyang asawa, “Eh, naiwan ang iyong pitaka ditto. Kanina, bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bestido mo at kumuha ako ng pambili ng Tobacco. Pero, nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo niyan?”
    Biglang-bigla anki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang paligid. At tuluyang nawalan ng malay.

    SOURCE: https://blogadagdps.wordpress.com/2015/12/09/halimbawa-ng-mga-maikling-kwento/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s